Hindi naman maipagkakaila na si Adolf Hitler ang namuno sa Nazi Germany nang isagawa ang holocaust o ang pagpatay sa lahat ng Hudyo.
Pero sinabi ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu sa kaniyang talumpati niya sa 37th Zionist Congress na hindi ito ideya ni Hitler.
Bagkus, tinuro niyang may kasalanan ang grand mufti ng Jerusalem noon na si Haj Amin al-Husseini na nakipagpulong kay Hitler sa Germany noong 1940s.
Ang mufti ay isang legal expert na may kapangyarihang magbigay ng mga rulings na may kinalaman sa mga isyung pang-relihiyon.
Ipinagtanggol ni Netanyahu si Hitler at sinabing nais lang nitong paalisin ang mga Hudyo, at hindi patayin.
Ngunit, lumapit sa kaniya si Haj Amin al-Husseini at iginiit na kung hindi niya ipapapatay ang mga ito, magsisipuntahan ang mga ito sa kaniyang teritoryo.
Ani Netanyahu, tinanong ni Hitler kung ano ang dapat niyang gawin at iminungkahi ni Husseini na sunugin ang mga ito.
Wala namang hawak na video, audio o transcript si Netanyahu na makakapagpatunay sa nasabing paguusap sa pagitan nina Hitler at Husseini.
Dahil dito, binatikos siya ng mga Israeli at mga Palestinian at sinabing sa pagtatanggol ni Netanyahu kay Hitler.
Anila, tila ba pinawalang-sala niya si Hitler sa kaniyang karumal-dumal na pagpapa-patay sa mga Hudyo sa pamamagitan ng Holocaust at ibinunton na lamang ang sisi kay Husseini.