Tumugon si Vice President Leni Robredo sa pagtawag sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte na incompetent o walang kakayanan.
Ayon kay Robredo, ayaw na sana niyang i-dignify ang isyu pero mas makabubuti aniya na imbes na insultuhin siya o ang Diyos ay dapat asikasuhin na lamang muna ang mga problema sa ekonomiya ng bansa.
Hinimok ng pangalawang pangulo si Pangulong Duterte na mag-focus sa paresolba sa mga problemang pang-ekonomiya.
Reaksyon ito ng bise presidente matapos sabihin ni Duterte sa Pampanga na hindi siya magbibitiw sa pwesto para maging presidente si Robredo.
Idinahilan ng pangulo ang umano’y incompetence ni Robredo para pamunuan ang bansa.
Ang pahayag ng pangulo ay kasunod naman ng deklarasyon ng Pangalawang Pangulo na pangungunahan niya ang oposisyon sa 2019 elections.