Ibinasura ng Philippine National Police (PNP) ang hiling ni Senate President Tito Sotto na payagan si Senadora Leila de Lima na magsagawa ng pagdinig habang nakakulong sa Custodial Center sa Camp Crame.
Ayon kay PNP chief Director General Oscar Albayalde, hindi nila pinayagan ang nais ni Sotto dahil bilang nakakulong ay limitado o restricted na ang karapatan ni De Lima na isagawa ang kanyang trabaho bilang mambabatas.
Anuman aniyang hiling kaugnay ng legislative function ng senadora gaya ng committee hearing ay bahala na ang Korte na may hurisdikyon sa kinakaharap nitong drug-related case.
Dahil dito ay sinabi ni Sotto na pag-aaralan niya ang susunod na pwedeng gawin.
Nasa 6 na major bills na aniya ang naipasa ng Kamara na nakabinbin ngayon sa komite ni De Lima.