Job opportunities para sa fresh graduates ngayong 2018, tumaas ng 10% – Jobstreet

Tumaas ang bilang ng job opportunities o trabaho pa sa mga fresh graduates sa unang tatlong buwan ng 2018 ayon sa online job site na JobStreet Philippines.

Sinabi ni obStreet Philippines country manager Philip Gioca na mayroong 52,000 trabaho ang naghihintay para sa mga bagong graduate para sa first quarter ng taon.

Ayon kay Gioca, kinakailangan ang mga fresh graduates dahil sa mas tumataas na demand sa mga manggagawa para sa mga sektor ng manufacturing at production.

Ayon sa pinakahuling datos ng JobStreet pinakamahalaga para sa mga employers sa ngayon ay ang ‘attitude’ upang tanggapin sa trabaho na sinundan ng galing sa ‘communication’ at ‘analytical thinking’.

Read more...