Pabor si Senator Ping Lacson sa binabalak ng gobyerno na localized peace talks para maayos na ang problema sa New People’s Army (NPA).
Sinabi nito na mas praktikal, mabilis at makakatipid sa binabalak na istratehiya.
Ikinatwiran ni Lacson na malinaw naman na walang kontrol si Joma Sison sa mga rebeldeng NPA at magkakaiba din ang sitwasyon sa mga lugar na may presensiya ang rebeldeng grupo.
Dagdag pa ng senador, mas alam ng mga lokal na pamahalaan ang mga pangangailangan ng mga rebelde sa kanilang lugar kaya’t alam nila kung ano ang mas kapaki-pakinabang na alok sa mga ito.
Sinabi pa ni Lacson na kailangan lang ng mas maliwanag na alintuntunin para sa gagawing pakikipag-usap ng mga lokal na pamahalaan at kailangan din na may gabay mula sa national government.