Ibinunyag ng Bangko Sentral ng Pilipinas na 15.8 Million Pinoy lamang o katumbas ng one-fourth ng ating populasyon ang may bank accounts.
Isa ito sa mga dahilan kung bakit maraming mga Filipino ang walang access sa financial system sa bansa ayon sa Financial Inclusion Survey ng BSP.
Pangunahing dahilan ayon sa pag-aaral ng BSP ay kinakapos sa kanilang kita ang mga Pinoy kaya imbes na maglagak ng pera sa bangko ay inilalaan na lamang nila ito sa ilang inaakala nilang mas importanteng mga bagay.
Bagaman ang ilan ay may bank account pero hindi naman ito ginagamit para sa savings kundi para sa iba pang banking needs ayon pa sa BSP.
Ayon pa sa Bangko Sentral ng Pilipinas, “Ownership of an account that can be used to save money, receive salary, send or receive remittance, and pay bills is a basic indicator of financial inclusion.”
Bagaman nanatiling nangunguna ang mga bangko sa pinaglalagakan ng pera ng mga Pinoy, ang ilan naman ay nag-iimpok sa pamamagitan ng microfinance non-banking instutions, kooperatiba, non-stock and savings corporations at electronic money (e-money) accounts.
Lumalabas rin sa pag-aaral ng BSP na kaya hindi naglalagak ng pera sa bangko ang mga Pinoy ay dahil sa kanilang kakulangan sa kaalaman ng proseso sa savings.
Idagdag pa dito ang ilang mga documentary requirements na kinakailangan para sa pagbubukas ng isang simpleng savings account.
Sa larangan naman ng pagnenegosyo, sinabi ng BSP na siyam sa bawat sampung Pinoy ang mas gusto pa rin ang cash transaction kumpara sa paggamit ng pasilidad ng mga bangko.