Panukalang pagbubukas sa Subic Airport muling binuhay

Inquirer file photo

Sinabi ni Senator Dick Gordon na matindi na ang pangangailangan para muling mabuksan ang Subic Bay International Airport.

Aniya dapat bago magtapos ang taong kasalukuyan ay mabuksan na muli ang paliparan na kanyang binuhay nang umalis ang puwersang-Amerikano sa Subic Naval Base at Clark Air Base sa Pampanga.

Tiwala si Gordon na luluwag ang Metro Manila kapag marami ang namuhunan sa Hilaga at Gitnang Luzon kapag naging operational na muli ang Subic airport.

Banggit ng senador malaki na ang ibinuhos na puhunan sa Central Luzon sa usapin ng imprastraktura at nalalapit na rin ang pagbabalik ng railway system sa rehiyon mula sa Maynila.

Una nang binanggit ni Transportation Sec. Art Tugade na maari naman maging operational muli ang Subic Airport sa unang bahagi ng susunod na taon kung magpapatupad lang ng revival program.

Read more...