Satellite offices itatayo ng DENR sa mga tourists’ spots

Inquirer file photo

Ipinag-utos ni Department of Environment and Natural Resources Secretary Roy Cimatu ang paglikha ng satellite environment offices sa mga tourist spots tulad ng Boracay upang mabantayan ang mga ito.

Sa pagdinig ng House Committee on Natural Resources, sinabi ni Cimatu na binuwag ang DENR office sa isla bago pa siya nanungkulan bilang kalihim.

Gayunman, ibinalik n ani Cimatu ang opisina at maglalagay na rin sa iba pang eco-tourism areas kabilang ang Siargao sa Surigao, Panglao sa Bohol, sa Palawan at sa Puerto Galera.

Nagpahayag naman ng pangamba ang mga kongresista dahil baka hindi ito kayanin ng budget ng DENR.

Paliwanag ni LPGMA Rep. Arnel Ty, chairman ng komite, kulang ang P150 Million para sa DENR extension offices dahil kakain na ng malaking pondo ang pagpapatayo pa lamang ng mga gusali hindi pa kasama ang gastos sa operasyon.

Read more...