Malacañang: Bb. Joyce Bernal personal choice ni Duterte para sa SONA

Inquirer file photo

Personal choice ni Pangulong Rodrigo Duterte si Direk Joyce Bernal para magong director sa kanyang ikatlong state of the nation address (SONA) sa July 23.

Ayon kay Presidential Communication Operations Office Secretary Martin Andanar, pinili ng pangulo si Bernal base na rin sa naging rekomendasyon ng aktor na si Robin Padilla.

Magsasagawa na rin aniya ng ocular inspection bukas si Bernal sa gusali ng Batasang Pambansa.

Ayon kay Andanar, nagpulong na rin sina RTVM Director Demic Pabalan, Direk Joyce at mga miyembro ng technical working group para ilatag ang plano.

Aminado si Andanar na malaking hamon ang pagdidirek ng SONA dahil sa limitadong espasyo at lugar na maari lang paglagyan ng camera.

Excited anya ang Malacañang sa magiging output ni Direk Joyce.

Sa nakalipas na dalawang SONA ng pangulo ay si award- winning Director Brillante Mendoza ang nagdirek dito.

Read more...