Kaso ng dengue sa Metro Manila tumaas ng 25%

Tumaas ng 25 porsyento ang kaso ng Dengue sa Metro Manila, ayon sa Department of Health (DOH).

Batay sa tala ng DOH, tinatayang nasa 7,200 na ang bilang ng kaso ng naturang sakit sa Metro Manila mula nang pumasok ng panahon ng tag-ulan.

Sa kaparehong buwan kasi noong 2017, umabot lang ng 5,800 ang kaso sa rehiyon.

Paliwanag ni Health Undersecretary Eric Domingo, nag-uumpisa ang peak season ng Dengue kapag maraming tubig na maaaring pamugaran ng mga lamok.

Maliban sa Metro Manila, sinabi ni Domingo na tumaas din ang kaso sa Ilocos Region ng 80 porsyento at 60 porsyento naman sa Cagayan Valley kumpara noong nakaraang taon.

Tumaas din ang dengue cases sa Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Bicol, Western Visayas at Northern Mindanao.

Gayunman, tiniyak ni Domingo sa publiko na handa ang kagawaran na tumulong at pagbigay-alalay sa anumang pangangailangan ng mga pasyente.

 

Read more...