WATCH: Pangulong Duterte nag-sorry sa Diyos

“Sorry God”.

Ito ang naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos ang kanyang kontrobersiyal na pahayag na “stupid God”.

Sa pakikipagpulong sa Malakanyang kay Jesus Is Lord Leader Brother Eddie Villanueva, ipinaliwanag ng pangulo ang konteksto ng kanyang kinikilalang Diyos.

Ayon sa pangulo, sa Diyos lamang siya hihingi ng paumanhin at hindi kaninuman.

Sinabi pa ng pangulo na kung nagkamali man siya sa Diyos, tiyak na makikinig umano sa kanya at pakikinggan ang kanyang paghingi ng tawd.

Paliwanag pa ng pangulo, mapagpatawad ang kanyang Diyos, at hindi tinatandaan ang mga nagawa niyang kasalanan.

Sinabi pa ng pangulo na nilikha ng Diyos para maging isang mabuting tao at hindi para maging masama.

Nabatid na tumagal ng dalawang oras ang pagpupulong nina Pangulong Duterte at Brother Villanueva.

Matatandaang isa si Villanueva sa pumuna sa pahayag ng pangulo nang sabihin nitong “stupid God”.

Hiniling pa ni Villanueva sa pangulo na magpublic apology noon.

Read more...