Sa update mula sa PAGASA, huling namataan ang bagyo sa 720 kilometers North Northwest ng Extreme Northern Luzon.
Nananatiling malakas at nasa typhoon category ang bagyo taglay ang lakas ng hanging aabot sa 160 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 220 kilometers bawat oras.
Bagaman wala itong direktang epekto saanmang panig ng bansa sinabi ng PAGASA na pinalalakas pa rin nito ang Habagat na naghahatid ng pag-ulan sa Zambales, Bataan, Cavite, Batangas, Mindoro Provinces, Romblon, Palawan at Western Visayas.
Makararanas din ng minsang pag-ulan ang Metro Manila, Ilocos Region, Zamboanga Peninsula, ARMM, Marinduque, nalalabing bahagi ng Central Luzon at CALABARZON.