Batay sa 11:00 am advisory ng weather bureau, nakataas sa yellow warning ang lalawigan ng Zambales, Bataan at Batangas.
Ito ay bunsod ng umiiral na southwest monsoon o hanging habagat.
Dahil dito, sinabi ng PAGASA na posibleng bahain ang ilang mabababang lugar sa mga nabanggit na lalawigan.
Samantala, asahan naman ang mahina hanggang sa katamtaman na kung minsan ay may mabigat na buhos ng ulan sa Pampanga, Cavite at Laguna sa loob ng dalawa hanggang tatlong oras.
Mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan naman sa Metro Manila, Nueva Ecija, Tarlac, Bulacan at Rizal sa susunod na tatlong oras.
Kasunod nito, inalerto ng PAGASA ang publiko at disaster risk reduction and management council na tutukan ang kasalukuyang sama ng panahon.