Suspek sa pagpatay kay General Tinio Mayor Bote, naaresto na

Kuha ni Erwin Aguilon

Naaresto na ang suspek sa pagpatay kay General Tinio Nueva Ecija Mayor Ferdinand Bote.

Ayon kay Bicol Regional Police Director Chief Supt. Arnel Escobar, nadakip ang suspek sa isang checkpoint sa bayan ng Del Gallego sa Camarines Sur.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa nasabing suspek na kinilalang si Florencio Suarez.

Nakikipag-ugnayan na rin ang Bicol Region police sa Police Regional Office 3 na siyang may hawak ng kaso ng pagpatay sa alkalde.

Si Mayor Bote ay naihatid na kahapon sa huling hantungan makaraang tambangan noong July 3.

 

Read more...