Biglang bumalik sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang eroplanong patungo sana ng Brunei matapos itong masiraan ng tubojet engine.
Ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA), ligtas na nai-maniobra ng piloto ng eroplano ng Royal Brunei Airline na naglalaman ng halos 150 na pasahero at crew pabalik ng NAIA terminal 1 matapos nitong madiskubreng may sira ang makina nito.
Umalis ang flight BI 684 patungong Bandar Seri Begawan sa NAIA ng 4:13 ng hapon at nakabalik sa airport ng 5:01 ng hapon.
Nakasaad sa report ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na nag-radyo ang piloto nito sa Manila tower at sinabing ang kaliwang makina ng eroplano ay namatay ang isa sa mg engine nito 18 minuto matapos silang makapag-take off mula sa runway ng NAIA.
Nang makalapag naman ang eroplano, agad itong inayos ng ground crew ng Royal Brunei.