Warehouse ng Makati City Government, nasunog

CREDIT: JAMES ROLAND CABRESOS

Natupok ng apoy ang dalawang palapag na lumang warehouse ng pamahalaang lokal ng Makati sa Sultana Street sa Brgy. Olympia, katabi ng ilog Pasig.

Ayon sa Bureau of Fire Protection – Makati nagsimula ang sunog pasado alas-dos ng madaling araw.

Mabilis na iniakyat ang sunog sa ikalawang alarma ganap na alas-2:48.

Laman ng warehouse ang mga luma at sirang mga sasakyan, mga upuan, lamesa at iba pang mga gamit ng city government.

Alas-4:40 ng ideklarang fire under control ang sunog at inaalam pa ang sanhi nito.

Read more...