Ang bagyo na malakas pa rin ay nagtataglay ng lakas ng hanging aabot sa 160 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 195 kilometro kada oras.
Samantala, dahil sa Habagat, makararanas ng katamtaman at paminsan-minsang malalakas na ulan ang Zambales, Bataan, Batangas, Cavite, Mindoro Provinces, Romblon at Palawan.
Inabisuhan ang mga residente sa mga naturang lalawigan lalo na ang nasa mabababang lugar at mga nasa kabundukan na mag-ingat sa panganib ng baha at pagguho ng lupa.
Ang Metro Manila, natitirang bahagi Central Luzon, Pangasinan at natitirang bahagi ng CALABARZON at Bicol Region ay makararanas ng paminsan-minsang pagbusgo ng mga pag-ulan dulot pa rin ng Habagat.
Sa nalalabing bahagi naman ng Northern Luzon at Southern Luzon, bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat ang mararanasan.
Paminsan-minsang pag-ulan naman ang mararanasan sa Zamboanga Peninsula at ARMM Region.
Sa nalalabing bahagi ng Visayas at Mindanao naman ay bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan ang mararanasan na may posibilidad ng mga pag-ulan bunsod lamang ng localized thunderstorms.