Mga informal settlers sa gilid ng Estero de Magdalena, ini-relocate na

Kusa nang nilisan ng mga residente na nakatira sa gilid ng Estsero de Magdalena sa Binondo, Maynila ang kanilang mga tirahan na karamihan ay barung-barong.

Matapos ang matagal na pakiusapan ay pumayag na rin ang mahigit sa 2,000 mga pamilya na maalis sa lugar para mailipat naman sa relocation site sa Trece Martires, Cavite.

Kada linggo ay hindi bababa sa 60 pamilya ang inilipat ng tirahan.

Libre lahat sa paglilipat-bahay ng mga informal settlers, mula sa pagbiyahe ng kanilang mga gamit patungong Trece Martires at may cash allowance pa bilang tulong-pinansiyal.

Nagkaloob din ang lokal na pamahalan ng Maynila, sa pamamagitan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng family food packs sa mga naglipat-bahay.

Para sa mga residente, wala silang choice kundi tumalima na lamang sa gusto ng gobyerno para na rin sa kanilang kapakinabangan at kaligtasan.

Samantala, ang ibang pamilya naman ay hindi muna maililipat sapagkat hindi pa sila kwalipikado sa programa ng relokasyon.

Read more...