2 bangkay mula sa tumaob na bangka sa Lake Buhi narekober na

Narekober ng mga otoridad ang mga bangkay ng dalawang lalaking napaulat na nawawala matapos tumaob ang sinasakyan bangka sa Lake Buhi sa Buhi, Camarines Sur.

Ayon kay SPO2 Emma Buen, chief investigator ng Buhi police, kinilala ang mga nasawi na sina Joshua Bejerano, 12 taong gulang at Jonas Menorca, 6 na taong gulang.

Nadiskubre ang mga labi ng dalawa walong kilometro mula sa Barangay San Buena kung saan lumubog ang bangka.

Dahil dito, umakyat na sa lima ang bilang ng mga nasawi sa trahedya.

Ayon kay Buen, sakay ng bangka ang 12 myembro ng pamilya pero overloaded ito. May butas din ang bangka kaya pinasok ito ng tubig.

Nasagip naman ang pitong ibang pasahero.

Read more...