Bukod dito, pinare-reimburse ng LTFRB sa Grab Philippines sa mga pasahero nito ang mga nasingil na P2.00 na per minute waiting time charge.
Ayon sa advisory ng LTFRB, sa pamamagitan ng rebates ay kailangang maibalik sa mga pasahero ang mga nasingil na extra charge mula noong June 5, 2017 hanggang April 19, 2018.
Matatandaan na inakusahan ang Grab na sumisingil ng P2.00 kada minuto, gayung wala itong approval ng board ng LTFRB.
Giit ng ahensya, iligal ang extra charge na iyon ng Grab.
Pansamantalang kinansela ng Grab ang naturang na dagdag-singil pero naghain sila ng motion for reconsideration upang maibalik ang paniningil ng P2.00 per minute.
Nauna nang sinabi ng LTFRB na inuulan sila ng reklamo dahil sa hindi maganda at mahal na serbisyo ng nasabing Transport Network Company.