Brgy. Chairman kritikal makaraang barilin sa North Cotabato

Nasa kritikal na kalagayan ngayon ang isang Barangay Chairman sa Magpet, North Cotabato matapos siyang tambangan.

Nakilala ang biktima na si Chairman Ferdinand Cariaga ng Barangay Sallab.

Ayon sa paunang ulat ng mga pulis, patungo sana si Cariaga sa pagpupulong ng Municipal Peace and Order Council sa bayan ng Magpet nang maganap ang pamamaril.

Sakay siya ng motorsiklo nang pagbabarilin siya nga mga suspek pasado alas-9:00 ng umaga.

Nagtamo ng mga tama ng bala sa dibdib, tyan at binti ang biktima na ngayon ay nasa kritikal na kalagayan.

Ayon kay Chief Insp. Jose Molina, hepe ng Magpet Police, sumailalim na sa operasyon si Cariaga at patuloy na inoobserbahan ng mga doktor.

HIndi naman matukoy ni Molina ang motibo sa pananambang.

Read more...