Malacañang hindi kumbinsido na titigil ang pangulo sa batikos sa simbahan

Malacañang photo

Aminado ang Malacañang na walang katiyakan na tutuparin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang pangako na titigilan na ang pagbanat sa simbahan.

Ito ay matapos magkasundo kahapon sa pagpupulong sina Pangulong Duterte at Catholic Bishops’ Conference of the Philippines President at Davao Archbishop Romulo Valles na magkakaroon ng ceasefire sa palitan ng maanghang na salita.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, hindi niya mabatid kung kakayanin ng pangulo na hindi magbitaw ng maanghang na salita laban sa simbahan sa mga susunod na araw.

Pero umaasa naman ang palasyo na gaganda na ngayon ang relasyon ng pangulo at ng simbahan matapos ang kanilang one-on-one meeting kahapon.

Nauna nang sinabi ni Roque na tame o hindi naging matapang ang laman ng pastoral statement ng CBCP kahit sinabi na araw-araw na may nagaganap na patayan sa bansa.

Ayon kay Roque hindi na bago ang pahayag ng CBCP dahil kapareho lamang ang kanilang statement sa mga nagdaang administrasyon.

Read more...