Robredo tinanggap ang hamon na pamunuan ang oposisyon

Inquirer file photo

Nagdeklara na si Vice President Leni Robrero na pangungunahan na niya ang United Opposition.

Ayon kay Robredo, maraming grupo ang gustong salungatin ang administrasyong Duterte.

Pero dahil hindi nag-uusap-usap, hindi napag-iisa ang kanilang mga boses.

At ngayon, sinabi ni Robredo na nais niyang matiyak na ang mga boses na ito ay magpagkakaisa niya upang mas mapakinggan at maintindihan ng nakararami, kaya pamumunuan na niya ang oposisyon.

Kinumpirma rin ni Robredo na target ng United Opposition na makumpleto sa Setyembre ang kanilang slate o listahan ng mga kandidato na isasabak sa 2019 mid-term elections.

Kamakailan ay nakipagpulong si Robredo na siyang tumatayong chairperson ng Liberal Party sa iba pang mga grupo gaya ng Tindig Pilipinas, Akbayan at Magdalo.

Pero sa ngayon ay wala pang pinal na listahan ng mga politiko o personalidad na kasama sa senatorial ticket ng oposisyon.

Read more...