Armadong lalaking tinangkang pasukin ang Archbishop’s Palace sa Cebu City, patay

Courtesy: Cebu Daily News

Napigilan ng pulisya ang tangkang pagpasok ng isang armadong lalaki sa Archbishop’s Palace sa Cebu City.

Tumakbo ang lalaki papasok sa gate ng Archbishop’s Palace at tumangging tumigil nang harangin.

Pinaputukan ng lalaki ang mga pulis pero napatay ng mga pulis ang suspek.

Hinahanap umano ng armadong lalaki si Cebu Archbishop Jose Palma.

Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng lalaki.

Samantala, ayon kay Archbishop Palma, wala siya sa Cebu nang maganap ang insidente. Kagagaling lamang niya sa Catholic Bishops Conference of the Philippines plenary assembly na ginanap kahapon.

Nasa Pope Pius Manila siya at kaninang umaga ay sumakay siya ng early flight mula Manila patungong Marbel para dumalo sa ordination ng bagong bishop doon.

Read more...