Pangalan ng 4 na dayuhang eksperto na aaral sa Dengvaxia vaccine, hawak na ni Duterte

FILE

Isinumite na ni Health Secretary Francisco Duque III ang pangalan ng apat na dayuhang eksperto na magsasagawa ng pag-aaral sa epekto ng Dengvaxia na itinurok sa mga bata sa Pilipinas.

Ayon kay Presidential spokesman Harry Roque, isang eksperto mula sa Vietnam, isa sa Thailand, isa sa Singapore at isa sa Sri Lanka ang pagpipilian ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Mula sa apat na eksperto, pipili aniya ang Pangulo ng tatlo.

Ayon kay Roque, may inilaang pondo ang pamahalaan para gagawing pag-aaral ng mga dayuhang eksperto.

Sa ngayon, umaasa aniya ang Pangulo na magkakaroon ng pinal na konklusyon kung ano ang tunay na sanhi ng pagkasawi ng ilang bata na naturukan ng Dengvaxia.

Read more...