266 na naghain ng COC ipinadedeklara bilang mga ‘nuisance candidate’

 

Inquirer file photo

Naghain na ng motu propio petition ang law department ng Commission on Elections upang ideklara bilang mga ‘nuisance candidates’ ang 266 katao na naghain ng certificates of candidacy nitong nakaraang linggo.

Sa naturang petisyon, 125 ang naghain ng COC upang mapahintulutang tumakbo bilang presidente sa susunod na eleksyon sa 2016.

Bunsod nito, magpapatawag na ng preliminary conference ang Comelec upang bigyan ng pagkakataon ang mga napabilang sa listahan na kumbinsihin ang komisyon kung bakit hindi sila dapat ituring na ‘nuisance candidate.’

Sa ilalim ng regulasyon ng Comelec, maaring maghain ng motu propio petition ang komisyon upang ipadeklarang ‘nuisance candidate’ ang isang naghain ng COC o ‘di kaya ay maghain ng disqualification case laban sa mga ito ang isang ordinaryong mamamayan.

Inaasahang sa buwan ng Disyembre, ilalabas ng Comelec ang opisyal na listahan ng mga kandidato para sa 2016 elections.

Read more...