Kinilala lamang ang nasawing suspek sa alyas na Jelo Parane, habang ang kanyang kasamahan ay wala pang pagkakakilanlan.
Ayon sa mga otoridad, sa kalagitnaan ng operasyon at nakatunog ang suspek na pulis pala ang kanyang katransaksyon.
Dahilan ito upang bumunot ng baril ang mga suspek at paputukan ang mga pulis.
Gumanti ng putok ang mga otoridad na nagresulta sa agarang pagkamatay ni alyas Jelo at kanyang kasama.
Narekober mula sa mga ito ang 10 sacher na naglalaman ng hinihinalang shabu at tinatayang nagkakahalaga ng P50,000, bukod pa sa dalawang kalibre 38 baril.
Ayon sa mga pulis, ang suspek ay tumakas mula sa search warrant operation na ikinasa ng mga otoridad noong May 30 sa Barangay San Andres, Cainta, Rizal.
Sinasabing si alyas Jelo ang kanang kamay ng pangunahing target ng nasabing operasyon na isang Jun Calumpiano.