Handa si Pangulong Rodrigo Duterte na bumaba sa pwesto kapag nahalal ang transitory leader at maaprubahan ang bagong Saligang Batas sa susunod na taon.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, pahayag ito ng pangulo para mawala na ang isyu na may balak pa siyang manatili sa pwesto pagkatapos ng kanyang termino sa 2022.
Sinabi aniya ng pangulo na pagod na siya at nais nitong bigyan daan ang mas batang lider
Paliwanag ni Roque, ang assumption umano ng pangulo ay magkakaroon ng plebisito sa 2019 at kapag nakapili na ng transition leader ay bababa na ito sa pwesto.
Dahil dito ay nais aniyang pabago ng pangulo sa Consultative Committee at sa Kongreso ang probisyon sa transitory leader kapag bago na ang konstitusyon.
Ikinabigla naman ng gabinete ang pahayag ni Pangulong duterte dahil lumalabas na tiyak na ang pagbaba nito sa pwesto kapag napatupad ang Federal Constitution sa 2019.