Tinanggal na ng Bicameral Conference Committee ang probisyon kaugnay sa anti-political dynasty sa bubuuing Bangsamoro Region.
Ayon kay Senator Chiz Escudero, inalis nila ang probisyon dahil sa pagtutol dito ng Bangsamoro Transition Commission.
Nakasaad sa Article VII, Section 15 ng Senate version ng inaprubahang BBL na ipinagbabawal maging partylist representative ang mayroong kamag-anak hanggang 2nd degree of consanguinity and affinity sa district representative.
Paliwanag ni Escudero, inalis ang nasabing probisyon dahil discriminatory at selective ito sapagkat aplikable lamang ito para sa partylist representatives.
Nauna dito ay sinabi ni House Majority Leader Rodolfo Fariñas na malaking hamon ang kanilang kinakaharap para maipasa ang ang panukalang Bangsamoro Basic Law.
Sa kanyang opening statement sa pagsisimula ng bicameral conference committee sinabi nito na hamon sa kanilang mga mambabatas na maipasa ang BBL nang walang lalabagin sa Saligang Batas.