Tumagal lamang ng 30 minuto ang pulong sa pagitan nina Pangulong Rodrigo Duterte at Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) President Romulo Valles.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na pasado alas-kwatro ng hapon nagsimula ang “one-on-one” meeting sa loob ng Malacañang.
Nauna nang sinabi ni Valles sa panayam kaninang umaga nab aka hindi matuloy ang nasabing pulong dahil sa dami ng kanyang mga trabaho sa CBCP.
Pero bilang opisyal ng Simbahang Katolika ay tungkulin umanong nilang makinig sa iba’t ibang sektor ng lipunan.
Sa nasabing pagpupulong ay pumayag umano ang pangulo na magkaroon muna ng moratorium partikular na sa kanyang mga puna laban sa mga pari.
Magugunitang kamakailan ay bumuo ang Malacañang ng isang 4-man committee na siyang naatasang mag-reach out para sa dayalogo sa mga lider ng Simbahang Katolika.
Resulta ito ng halos ay araw-araw na batikos ng pangulo sa mga pari at obispo.