Pilipinas nakiramay sa mga biktima ng bagyo sa Japan

AP

Nagpahatid ng pakikiramay ang Pilipinas sa Japan na sinalanta ng matinding pagulan at pagbaha na ikinasawi ng halos 100 katao.

Partikular na nagparating ng pakikidalamhati si Foreign Affairs Sec. Alan Peter Cayetano sa mga pamilya na biktima ng pagbaha at landslides sa Western Japan.

Base sa nakarating na impormasyon sa DFA, aabot sa 75 ang napaulat na namatay at 40 na katao ang nawawala habang libo-libo ang nawalan ng tahanan mula sa walong lalawigan na sinalanta ng malakas na ulan at baha.

Nagpahayag din si Cayetano ng kahandaan na magpadala ng tulong sa mga biktima ng bagyo.

Base sa konsulada ng Consulate General sa Osaka, wala pa silang natatanggap na ulat na may nasawing Pinoy sa nasabing kalamidad na maituturing na isa sa mga pinaka-malala sa ating panahon.

Pinayuhan naman ni Consul General Aileen Bugarin ang mga Filipino sa mga apektadong lugar na makinig sa mga abiso ng mga optoridad sa mga posibleng landslides at flashfloods.

Read more...