1 patay sa pagbagsak ng chopper sa townhouse sa Virginia

AP Photo

Isa ang patay sa pagbagsak ng helicopter sa isang townhouse complex sa Virginia USA.

Naganap ang insidente sa Williamsburg sa Virginia na nagdulot sa pagkawasak ng gusali at pagkasunog ng bahagi nito.

Sa ulat ng local media, residente sa lugar ang nasawi ayon sa Virginia State Police.

Inaalam pa kung sino ang namamay-ari ng bumagsak na chopper at hinahanap pa ang piloto nito.

Mabilis kasing lumaki ang apoy matapos itong bumagsak kaya agad itong tinugunan ng mga otoridad.

Read more...