Thunderstorm advisory itinaas sa Batangas, Zambales at Bataan

Itinaas ng PAGASA ang thunderstorm advisory sa mga lalawigan ng Batangas, Zambales at Bataan.

Batay sa abiso na inilabas ng PAGASA alas 8:25 ng umaga, ang nasabing mga lalawigan ay makararanas ng moderate hanggang heavy rains sa susunod na 1 hanggang 2 oras.

Pinayuhan ng PAGASA ang mga residente lalo na ang mga nasa mabababang lugar na mag-ingat sa posibleng pagbaha.

Ang mga naninirahan naman sa matataas na lugar ay pinag-iingat sa landslides.

Muling maglalabas ng abiso ang PAGASA sa susunod pang mga oras.

 

Read more...