Chris Paul muling lumagda ng 4-year contract sa Houston Rockets

Sa NBA, lumagda sa panibagong kontra sa Houston Rockets si Chris Paul.

Ayon sa ulat, ang apat na taong panibagong kontrata ni Paul sa koponan ay nagkakahalaga ng $160 million.

Sa nagdaang NBA season, mayroong 18.6 points, 7.9 assists, 5.4 rebounds at 1.66 blocked shots na average si Pail.

Ang 33 anyos na si Paul ay pang-anim sa ranking sa NBA sa assists, pang-labingisa sa steal at pangalawa sa free throw kung saan 91.9 percent ang accuracy rate nito.

Noong Marso, naitala ni Paul ang pang-2,000 career steal nito at napasama sa hanay nina Jason Kidd, Gary Payton, at John Stockton bilang mga tanging NBA players na nakapagtala ng 8,000 assists at 2,000 steals sa kanilang career.

Read more...