Tuloy ang pag-iral ng number coding ngayong araw – MMDA

Kahit suspendido na ang klase sa halos buong Metro Manila, mananatili ang pag-iral ng number coding ngayong araw.

Sa abiso ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), tuloy ang pagpapatupad ng number coding sa buong Metro Manila.

Marami kasi ang nagtanong sa MMDA sa pamamagitan ng Twitter kung hindi ba sususpindihin ang number coding lalo at halos buong Metro Manila na ang nagsuspinde ng klase sa lahat ng antas.

Nagsuspinde ng klase ang mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila maliban lamang sa Pasig, Quezon City at Makati.

Read more...