DILG gustong magkaroon ng localized peace talks sa CPP

Itinutulak ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang pagkakaroon ng localized peace talks.

Ngunit ito ay kung hindi na talaga matutuloy ang usaping pangkapayapaan sa pagitan ng national government at Communist Party of the Philippines (CPP).

Sa isang pahayag, sinabi ni DILG officer-in-charge Eduardo Año na magiging mas ‘participatory’ ang localized peace talks.

Aniya, mas mainam ito upang matukoy ang partikular na pangangailangan at sitwasyon sa mga komunidad. At bilang resulta ay mas magkakaroon ito ng mas malaking epekto sa mga nasa kanayunan.

Matatandaang una nang sinabi ng Palasyo ng Malacañan na posibleng mas piliin na lamang ng pamahalaan ang ganitong uri ng pakikipag-usap sa mga miyembro ng komunistang grupo.

Ngunit ayon kay CPP founding chairman Jose Maria Sison, hindi epektibo ang localized peace talks.

Aniya, isa lamang palabas ang ganitong uri ng pakikipag-usap kung saan magkakaaroon lang mga ‘false peace negotiations.’

Ang nasabing panukala ay kasunod ng pagpapaliban ng nakatakdang pag-uusap ng pamahalaan at ng komunistang grupo noong June 28.

Read more...