Maaari pang manatili sa pwesto si Pangulong Rodrigo Duterte hanggang sa taong 2030.
Ito ay kung maaprubahan ng Kongreso ang draft ng Consultative Committee (Con-Com) na naglalayong amyendahan ang Saligang Batas at mabago ang kasalukuyang porma ng gobyerno patungo sa federalism.
Ayon kay Con-Com Spokesperson Conrado Generoso, natural consequence na mapalawig pa ng pangulo ang kanyang termino sa ilalim ng bagong porma ng gobyerno.
Una rito, nilinaw ni Con-Com Chairman Reynato Puno na maaari lamang manatili sa pwesto si pangulong duterte hanggang sa 2022 base na rin sa isinasaad sa 1987 Consitution.
MOST READ
LATEST STORIES