Pangulong Duterte tinawag na anti-Christ ni Senador Trillanes

Walang duda na anti-Christ si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang naging pahayag ni Senador Antonio Trillanes IV dahil bukod sa sunod-sunod na pagbanat sa Panginoon, itinaguyod din ng pangulo ang kultura ng patayan, karahasan, kabastusan, at misogyny.

Ibig sabihin, ayon kay Trillanes, lahat ng turo sa mga bata na maging mabuting Kristyano ay binaliktad ni Pangulong Duterte.

Una rito, umani ng matinding batikos ang pangulo nang sabihin nitong estupido ang Panginoon.

Ayon kay Trillanes, makailang beses nang nagbitiw ng mga pahayag ang pangulo na anti-Church at anti-God.

Read more...