Napanatili ng bagyong Maria ang lakas nito habang patuloy na binabagtas ang direksyong hilagang kanluran sa bilis na 15km bawat oras.
Sa 11am advisory ng PAGASA, nakasaad na huling namataan ang bagyo sa layong 1,820km silangan ng Northern Luzon.
Mayroon itong lakas na 185km bawat oras at pagbugsong aabot sa 225km bawat oras.
Posibleng Lunes ng umaga ay makapasok na ng Philippine Area of Responsiblity (PAR) ang bagyo at papangalanan itong Gardo.
Hindi naman inaasahang tatama sa anumang kalupaan ng bansa ang nasabing bagyo.
Ayon pa sa PAGASA, bagaman hindi tatama sa lupa ang bagyo ay palalakasin naman nito ang umiiral na hanging habagat, dahilan upang makaranas ng malakas na pag-uulan ang malaking bahagi ng Luzon at Visayas.
Sa ngayon ay mararanasan ang paminsan ay mabigat na pag-ulan sa Metro Manila, Bataan, Zambales, Batangas, Cavite, MIMAROPA, at Western Visayas.