Propaganda lamang ang nakatakdang pagpupulong nina Pangulong Rodrigo Duterte at Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) at Davao Archbishop Romulo Valles sa Palasyo ng Malakanyang sa araw ng Lunes, July 9.
Ayon kay Bishop Joel Baylon ng Diocese ng Legazpi Albay, ito ay kung hindi tutuparin ni Duterte ang kanyang pangako na tutuldukan ang mga kaso ng pagpatay, disinformation pati na ang paggalang sa democratic institution.
Sinabi pa ni Bishop Baylon na bagama’t welcome ang naturang pagpupulong basta’t sinsero lamang sana ang pangulo.
Mas magiging epektibo rin aniya ang pagpupulong kung pakikinggan ang panig ng bawat isa at iwasan ang pagiging defensive.
Nanindigan pa si Bishop Baylon na direktang paninira ang ginawa ng pangulo nang sabihin nitong estupido ang panginoon.