Pansamantalang isinara ang isla mula sa mga turista simula April 26 dahil sa environmental problems.
Sa isang panayam, sinabi ni DENR Undersecretary Jonas Leones na positibo ang resulta ng mga isinasagawang aktibidad sa rehabilitasyon.
Aniya, unti-unti nang pumapasa sa standards ang paglilinis ng easement sa beach front nito.
Ipinag-utos din aniya ni Enviroment Secretary Roy Cimatu sa mga may-ari ng hotel at resort na bumuo ng sariling sewage treatment plan para maisaayos ang wasterwater.
Dagdag nito, posible pang mapaigsi ang 6-month deadline ngunit mananatili pa rin aniya sa orihinal na target date para matiyak ang kaayusan sa naturang isla.