Crime rate sa Mindanao, bumaba ng 40% – North Mindanao PNP

Inquirer file photo

Bumaba ang insidente ng krimen sa Mindanao region batay sa inilabas na datos ng Northern Mindanao police.

Anila, bumaba ng mahigit 40 porsyento mula January hanggang June 2018 kumpara sa kaparehong buwan noon nakaraang taon.

Ayon kay Northern Mindanao police director Chief Supt. Timoteo Pacleb, malinaw na epektibo ang pagpapaigting ng crime prevention programs ng Philippine National Police (PNP).

Samantala, bumagsak din ang kaso ng robbery sa 66 porsyento habang 71 porsyento naman sa theft sa unang anim na buwan ng 2018.

Read more...