Pero wala pang pasya ang SET sa hiling ng kampo ni Poe, dahil ipapamahagi pa ang mga kopya ng mosyon sa siyam na miyembro ng Lupon.
Ngayong araw ay inaasahang isusumite ni Poe ang resulta ng kanyang DNA, matapos bigyan ng SET ng tatlumpung araw ang kampo ng Senadora.
Subalit ayon kay SET spokesperson at Secretary Irene Gueverra, sa pamamagitan ng abogado ni Poe na si Atty. Alex Poblador ay humingi ng extension si Poe.
Hindi naman binanggit ni Poblador ang rason ng paghingi ng extension sa pagsusumite ng DNA sample documents.
Nauna nang inihayag ni Poblador sa oral arguments ng SET sa Korte Suprema noong September 21 na sumasailalim ang senadora sa DNA testing sa gitna ng mga kumukwestiyon sa kanyang citizenship.
Pero paninindigan ni Poblador, Pilipino si Poe sa kabila ng kanyang pagiging foundling.