Costumes at props na ginamit ni Sylvester Stallone sa ‘Rocky’ at ‘Rambo’, ipinagbebenta

RockyRamboIpagbibili ang mga costumes at props na ginamit ng Hollywood star na si Sylvester Stallone sa kaniyang box-office smash hit na pelikulang ‘Rocky” at ‘Rambo’.

Kabilang sa mga ibinebentang items ang boxing gloves ni Rocky Balboa at ang championship belt na ginamit sa pelikulang “Rocky II,” na ang halaga ay umaabot sa $500,000.

Ayon sa Heritage Auctions, kabilang din sa mabibili ang leather jacket ni Stallone sa pelikulang ‘Rocky’ noong 1976. Ang nasabing pelikula ay nagwagi ng tatlong award mula sa Oscars at nakapagpasikat kay Stallone.

Ibinebenta din ang white robe ni Stallone sa pelikulang ‘Rocky IV’. Gayundin ang handwritten na script ni Stallone para sa pelikulang ‘Rocky’, ang army jacket ni John Rambo sa pelikulang ‘First Blood’ at ang mga costume na helmet, boots at shoulder armor mula sa pelikulang ‘Judge Dredd’.

Ang mga items ay binuksan muna para sa public viewing, at sa December 18 hanggang 20 ay magsisimula ang bentahan sa Los Angeles.

Ayon kay Stallone, sa halip na itago lang ay nagdesisyon siyang ialok sa publiko ang nasabing mga kagamitan.

Ang iba pang puwedeng mabili ay ang ‘Eye of the Tiger’ jacket na ginamit ni Stallone sa ‘Rocky II’ at maging ang motorsiklo na sinakyan niya sa ‘Rocky III’ at ‘Rocky V’, gayundin ang mga kagamitan sa latest na “The Expendables” movies.

Read more...