Isang ‘God’ tumugon sa hamon ni Duterte

Kinagat ang hamon ni Pangulong Rodrigo Duterte na patunayan ang ‘existence’ ng Diyos.

“Here I am. Now go, bastard,” ito ang sinabi ng isang parody account na may pangalang ‘God’ at viral ngayon sa Twitter.

Bagaman hindi sa pamamagitan ng isang selfie, ito ay tila isang nakakatawang tugon sa hamon ng pangulo na patunayang totoo ang Diyos ng mga Kristiyano.

Sa ngayon ay mayroon ng halos 29,000 likes ang tweet at higit 6,900 na komento.

Marami naman sa mga netizens na nagkomento ang tila sinakyan ang parody tweet at ang ilan ay may dasal pa para sa pangulo sa naturang ‘God’.

Ang account na ‘God’ at may username na ‘@TweetofGod’ ay ginawa ni David Javerbaum na bumabatikos sa ilang mga world leaders at personalidad.

Sa ngayon ay mayroon na itong higit 5 milyong followers.

Read more...