2 dating opisyal ng militar, itinalaga ni Duterte sa DND

Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte ang dalawang dating opisyal ng militar sa Department of National Defense (DND).

Magsisilbing Assistant Secretary for Plans and Programs si dating 7th Infantry Division Commander Maj. Gen. Angelito de Leon habang itinalaga naman bilang direktor ng Office of the ssistant Secretary for Installations and Self-Reliant Defense Posture si dating Navy Lt. Senior Grade James Layug.

Bago maitalaga sa kagawaran ay isang ranking official ng Bureau of Customs si Layug kung saan kasabay ng kanyang panunungkulan sa ahensya ay umingay ang isyu ng P6.4 bilyong shabu shipment.

Bukod naman sa pagiging dating commander ng 7th ID ay nanilbihan din bilang hepe ng AFP Command Center at AFP Deputy Chief of Staff for Operations si de Leon.

Pinangunahan ni Defense Sec. Delfin Lorenzana ang panunumpa ng dalawang bagong opsiyal ng kagawaran.

Read more...