P245M terminal fees na hindi na-refund, ibinalik ng Cebu Pacific sa MIAA

Ibinalik na ng Cebu Pacific sa Manila International Airport Authority (MIAA) ang mga mahigit na P245 milyon unrefunded terminal fees.

Ang nasabing halaga ang hindi naisaoling terminal fee ng 212,100 na international passengers na bumiyahe mula noong February 1, 2015 hanggang April 30, 2018.

Kasama din dito ang mga hindi nakuhang terminal fee ng mga domestic na pasahero sa kaparehong panahon.

Ang terminal fee ay matatandaang isinama na sa presyo ng mga tiket sa eroplano mula noong August 1, 2012.

Gayunman, nagpahayag ng pagkabahala ang kongreso dahil sa paghawak ng mga airlines sa terminal fee ng mga hindi nakalipad na pasahero.

Nagpasalamat si MIAA General Manager Ed Monreal sa inisyatibo ng Cebu Pacific at umaasa na susunod na ang iba pang airline company.

 

Read more...