Napanatili ng bagyo na may international name Maria ang lakas nito habang tinatahak ang Northwestward direction.
Sa Tropical Cyclone Advisory No. 3 ng Pagasa Sabado ng tanghali, huling namataan ang Typhoon Maria 1,995 kilometers East ng Central Luzon sa labas pa ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Taglay nito ang lakas ng hangin na 185 kph at mabagal na tinatahak ang direksyong hilagang kanluran.
Tatawagaing Bagyong Gardo ang Typhoon Maria pagpasok nito sa bansa sa Lunes ng umaga pero maliit ang tsansa na tumama ito sa kalupaan.
Posibleng palakasin ng bagyo ang Hanging Habagat na magdadala ng pag-uulan sa Metro Manila, Western Visayas, at Kanlurang bahagi ng Calabarzon at Mimaropa.
MOST READ
LATEST STORIES