Mga lugar na nasa ilalim ng signal number 1, nabawasan pa

6
PAF Photo

Apat na lugar na lamang ang nakasailalim sa public storm warning signal number 1 ngayong papalayo na ang bagyong Lando.

Sa latest weather bulletin ng PAGASA, nasa Balintang Channel na ang bagyo at huli itong namataan sa 80 km East Northeast ng Calayan, Cagayan.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers kada orasa t kumikilos ito sa direksyong Northeast sa 6 kilometers kada oras.

Sa ngayon, nakataas na lamang ang signal number 1 sa Batanes, Northern Cagayan kasama na ang Calayan at Babuyan Group of Islands.

Dahil sa mabagal na kilos ng bagyo, inaasahang mananatili ito sa bahagi ng Itbayat, Batanes mula bukas ng umaga hanggang sa Linggo ng umaga bago tuluyang lumabas ng bansa.

Pero sinabi ng PAGASA na maaring bukas ay humina pa ang bagyo at maging isang Low Pressure Area na lamang dahil napapasukan na ito ng malamig na hanging amihan.

Inaasahan pa ring magdudulot ng katamtaman hanggang malakas na buhos ng ulan ang bagyong Lando sa nasasakupan ng 500 kilometers diameter nito.

Nakataas pa rin ang gale warning ng PAGASA sa mga baybayin ng northern at Central Luzon gayundin sa eastern seaboard ng Southern Luzon.

Read more...