Dating NBA player Clifford Rozier, pumanaw sa edad na 45

Inquirer file photo

Pumanaw na ang dating NBA player na si Clifford Glen Rozier sa edad na 45.

Gamit ang Facebook account, sinabi ng kapatid nito na si Kobie Rozier na heart attack ang sanhi ng pagkamatay ng basketball player.

Kwento pa nito, sinubukan pang labanan ni Rozier ang kondisyon sa mga huling araw nito sa Bradenton, Florida.

Naging 16th overall pick sa 1994 NBA draft si Rozier ng Golden State Warriors.

Apat na NBA season siyang naglaro sa Warriors. Toronto Raptors at Minnesota Timberwolves.

Read more...